Wednesday, May 29, 2013

Worst than Demise

"To be forgotten is worst that dying". I took that quote from a friend whom I just accompanied to the bus station heading to the province
. I found it very meaningful because it is true. 

Let me rewind what happened in the past three days. I am with some of my friends fixing some sort of important documents. We've accomplished the documents a little bit easy and fast because of connections. That is how it works in the country. If you know somebody in a certain department you will be prioritized. That is absolutely a fact.

Anyway, going back to the quote. Lot's of folks are afraid of death and i can say that I am one of those people. However, Going back 10 years ago or more, I am saying that I am not afraid of death besides everybody will soon die so what is the point in postponing it. I even wrote "if you are going to die in the future why not today?" in a page of my notebook once during those time. I am saying that , but it does not mean that I am suicidal because I still believe that life is a gift. I am not afraid to die before because i really do not know what the future have for me and I am afraid of something bad that might happen. Yes, i am afraid in failure and disappointment.

During those times, I have learned lots and lots of things from different people that I've met. I gained a lot of friends and built camaraderie in various places. I started to dream and think about better future, building my own family but I developed my fear towards death as well. I thought dying would mean the end but when I learned that there is something worst in dying which is to be forgotten, lots of things changes.


People who are remembered for their good deeds would be the happiest people. They might be physically gone but as long as their memories remain in the heart of those they once touched, they are more alive that those who are breathing but forgotten. Now i know why eulogy is very important in every funeral. The cadaver might not hear it but it still means a lot.

I have lots of dreams and plans for tomorrow, the next day and the future and I fear death, but as long as I have lots of friends who keep on remembering me then everything is worth it. So, It is still best to be positive and gain friends. Who cares about death? What matters most is to keep doing something great so you won't be forgotten in the event that your heart stop beating and you are already six feet below the ground covered with your favorite flowers.



Sunday, May 12, 2013

Ang Mga Pulubi sa Overpass

Sa tuwing aakyat ako sa overpass tuwing papasok sa trabaho noong pumapasok pa ako ay laging pumupukaw sa damdamin co ang isang matanda at isang bata na natutulog sa bangketa. Alas dose o kaya ay ala una ng madaling araw ang pasok co kaya memoryado co na ang mga taong regular kong nakikita sa dadaanan co mula sa mga security guards, tindera sa ministop at mga nagtitinda ng mga bulaklak at prutas sa Farmers Market kasi kokonti naman ang tao sa mga oras na ganun.

Regular din ako kung magbigay sakanila ng konting barya sabay ngiti sa batang babae para maging pamilyar din ang mukha co sakanila para sa plinaplano kong pakikipagkwentohan sakanila pero tuwing uuwi nalang ako kasi kasarapan ng tulog nila tuwing papasok ako. Kadalasan ay maayos ang suot nila kahit luma, bakas sa mata ng bata na masayahin ito kasi gumaganti ito ng ngiti tuwing ngingitian co sya, hindi gaya ng ibang tao sa kalye na madumi. May mga panahong gusto co na silang kausapin pero hindi pa sapat ang lakas ng loob co. Isa pa, iniisip co baka ayaw nilang makipagusap. Marami akong gustong itanong gaya ng paano sila napadpad sa lugar na yun? taga saan sila? asan na ang pamilya nila? gusto ba nilang umuwi ng probinsya kung may probinsya sila? at marami pa.

Minsan ay nagawi ako sa overpass sa Cubao sa mismong MRT station pero wala akong pasok noon. Nagtaka ako bakit noong pababa ako sa overpass ay wala sila. Hinanap co pa sila sa ibang hagdanan pero wala. Halos limang buwan co na silang regular na nakikita sa lugar na yun kaya nagtaka ako kung bakit sila umalis. Marami ng naglaro sa isip co.. Hinuli kaya sila? nakaipon na kaya ng pamasahe pauwi kaya umuwi na ng probinsya?o baka kinidnap at binenta na yung mga internal organs sa black market. (wag naman sana).

Inisip co nalang na siguro lumipat na sila ng pwesto bka humina na ang kita sa pwesto nila. may mga panahon kasing pinagmamasdan co sila sa malayo habang nakapila para sa pagbili ng ticket at mangilan ngilan lang talaga ang nagbibigay. Sa tuwing papasok ako ay lage kong naaalala kun nasan na ang matanda at yung bata. Lumipas pa ang mga araw linggo hanggang buwan pero hindi na sila bumalik.

Minsan akong nailagpas ng sinasakyan kong bus dahil sa sobrang antok resulta ng ovetime na di napaghandaan. Sa Shaw ako dapat bababa pero umabot na ako ng Boni dahil  nakaidlip ako sa sobrang pagod at puyat. Pagbaba ko ay may nakita akong isang matanda at isang bata sa paanan ng overpass. Inakala kong sila yung dating nasa Cubao nung malayo pa kaya nilapitan co sila. Habang papalapit ako ay lumiliit ang pag asa kong sila iyon dahil narin sa itsura at nagagalit ang ale sa bata na hindi co nakita sa Cubao. Laging tahimik lang kasi yung nasa Cubao hindi gaya netong maingay.

Ganunpaman ay kinausap co padin sila. Tinanong ko kung may kasama silang isang matanda at isang bata din pero umiling iling lang yung ale. Bilang pasasalamat ay binigyan co ng bente pesos yung ale at pinakiusapan kong wag ng pagalitan yung bata kasi umiiyak na. Bakas sa mata ng ale ang pagtataka siguro dahil sa ginawa kong pakikialam pero agad din akong nagpasalamat at sakay sumakay ng bus pabalik ng shaw.


Sa bus ay iniisp isip co padin kung nasaan na kaya yung ale sa cubao at saka yung bata. Hindi co man lang natanong ang pangalan nila o kaya kung taga saan sila bago sila umalis. Sa ngayon, Tuwing napapadaan ako sa mga overpass ay sinusubukan kong hanapin sila pero hanggang ngayon ay bigo padin ako. Wala akong picture nila pero sigurado akong makikilala co sila kung muli co silang makikita. Sana kung makita co man sila ulet ay mas maayos na ang lagay nila. Sa panahong yun ay hindi na ako magdadalawang isip na lumapit at makipagkwentuhan.




Wednesday, May 1, 2013

Inspirasyon mula sa Estranghero

Meron na akong blog pero mas astig kung nakahiwalay ang mga kwento tungkol sa mga taong nakikilala co sa araw araw at mga lugar kung san ako napapadpad. Pangarap ko kasing libutin ang mundo at makakilala ng mga simpleng taong may astiging kwento sa pamilya, kaibigan, lablife at kung ano ano pa. Kung gusto nyong bisitihahin eto yung link. solidkanaman.blogspot.com.

Naisipan kong gawing wardman on the road dahil sa impluwensya ng isang estranghero na nakilala co lang sa DFA. Isang photograper na ipapadala sa Qatar ng isang kumpanya sa Ortigas para magaral. Taga San Simon Pampanga pero nasa Abra daw ngayon. Meron kasi siyang page sa facebook pero nakalimutan co yung title pero something na may on the road tapos naastigan ako sa ideya.

Dahil sa hilig co din naman ang gumagala at makipag usap sa kung sino sino lang, naisipan co ng gawan ng blog para naman maishare co sa iba kung may interesado mang bumasa. Sana meron pero kung wala ayos lang sakin ang importante may record ako. Madami na kasi akong post na dapat ginawa pero tinamad ako kasi halo halo lang yung sa blog co kaya ihihiwalay co na.

Hindi co na alam kung nasaan yung photographer na yun. Marami siyang kwento sa mga ancestral houses. Marami syang weirdong kwento pero naastigan ako kaya susubukan co ding gawin. Halos apat na oras lang na usapan habang pumipila pero ramdam co and sensiridad sa ginagawa nya at ramdam co na masaya sya sa mga pinagkakaabalahan nya na para sa ibang tao ay walang kwenta. Sana sumikat sya balang araw. Salamat sa ideya. Maliit ang mundo at magkukrus din ulet mga landas natin.