Sunday, May 12, 2013

Ang Mga Pulubi sa Overpass

Sa tuwing aakyat ako sa overpass tuwing papasok sa trabaho noong pumapasok pa ako ay laging pumupukaw sa damdamin co ang isang matanda at isang bata na natutulog sa bangketa. Alas dose o kaya ay ala una ng madaling araw ang pasok co kaya memoryado co na ang mga taong regular kong nakikita sa dadaanan co mula sa mga security guards, tindera sa ministop at mga nagtitinda ng mga bulaklak at prutas sa Farmers Market kasi kokonti naman ang tao sa mga oras na ganun.

Regular din ako kung magbigay sakanila ng konting barya sabay ngiti sa batang babae para maging pamilyar din ang mukha co sakanila para sa plinaplano kong pakikipagkwentohan sakanila pero tuwing uuwi nalang ako kasi kasarapan ng tulog nila tuwing papasok ako. Kadalasan ay maayos ang suot nila kahit luma, bakas sa mata ng bata na masayahin ito kasi gumaganti ito ng ngiti tuwing ngingitian co sya, hindi gaya ng ibang tao sa kalye na madumi. May mga panahong gusto co na silang kausapin pero hindi pa sapat ang lakas ng loob co. Isa pa, iniisip co baka ayaw nilang makipagusap. Marami akong gustong itanong gaya ng paano sila napadpad sa lugar na yun? taga saan sila? asan na ang pamilya nila? gusto ba nilang umuwi ng probinsya kung may probinsya sila? at marami pa.

Minsan ay nagawi ako sa overpass sa Cubao sa mismong MRT station pero wala akong pasok noon. Nagtaka ako bakit noong pababa ako sa overpass ay wala sila. Hinanap co pa sila sa ibang hagdanan pero wala. Halos limang buwan co na silang regular na nakikita sa lugar na yun kaya nagtaka ako kung bakit sila umalis. Marami ng naglaro sa isip co.. Hinuli kaya sila? nakaipon na kaya ng pamasahe pauwi kaya umuwi na ng probinsya?o baka kinidnap at binenta na yung mga internal organs sa black market. (wag naman sana).

Inisip co nalang na siguro lumipat na sila ng pwesto bka humina na ang kita sa pwesto nila. may mga panahon kasing pinagmamasdan co sila sa malayo habang nakapila para sa pagbili ng ticket at mangilan ngilan lang talaga ang nagbibigay. Sa tuwing papasok ako ay lage kong naaalala kun nasan na ang matanda at yung bata. Lumipas pa ang mga araw linggo hanggang buwan pero hindi na sila bumalik.

Minsan akong nailagpas ng sinasakyan kong bus dahil sa sobrang antok resulta ng ovetime na di napaghandaan. Sa Shaw ako dapat bababa pero umabot na ako ng Boni dahil  nakaidlip ako sa sobrang pagod at puyat. Pagbaba ko ay may nakita akong isang matanda at isang bata sa paanan ng overpass. Inakala kong sila yung dating nasa Cubao nung malayo pa kaya nilapitan co sila. Habang papalapit ako ay lumiliit ang pag asa kong sila iyon dahil narin sa itsura at nagagalit ang ale sa bata na hindi co nakita sa Cubao. Laging tahimik lang kasi yung nasa Cubao hindi gaya netong maingay.

Ganunpaman ay kinausap co padin sila. Tinanong ko kung may kasama silang isang matanda at isang bata din pero umiling iling lang yung ale. Bilang pasasalamat ay binigyan co ng bente pesos yung ale at pinakiusapan kong wag ng pagalitan yung bata kasi umiiyak na. Bakas sa mata ng ale ang pagtataka siguro dahil sa ginawa kong pakikialam pero agad din akong nagpasalamat at sakay sumakay ng bus pabalik ng shaw.


Sa bus ay iniisp isip co padin kung nasaan na kaya yung ale sa cubao at saka yung bata. Hindi co man lang natanong ang pangalan nila o kaya kung taga saan sila bago sila umalis. Sa ngayon, Tuwing napapadaan ako sa mga overpass ay sinusubukan kong hanapin sila pero hanggang ngayon ay bigo padin ako. Wala akong picture nila pero sigurado akong makikilala co sila kung muli co silang makikita. Sana kung makita co man sila ulet ay mas maayos na ang lagay nila. Sa panahong yun ay hindi na ako magdadalawang isip na lumapit at makipagkwentuhan.




No comments:

Post a Comment