Saturday, September 21, 2013

Ang Yabang co Kasi

Netong mga nakaraang mga araw, madaming tumatakbo sa isip co kung ano ba ang pwede kong pagkaabalahan habang naghihintay na saniban ulet ng bathala ng kasipagan. Kasama na dyan yung paghahanap ng trabaho, paguwi muna sa probinsya at pati narin pagtake ng prometrics exam para lang ichallenge ang stock knowledge co.

Syempre hindi naman po ako maperang tao kaya inuna co yung paghahanap ng trabaho. Bago ako matulog ay sineset co na sa utak co na dapat maaga akong magising para makapaghanap ng trabaho. Habang nakahiga ako naiisip co na yung mga dapat dalhin, magpriprint ng resume saka pupunta ng ortigas. Ayos na sana ang buto buto pero sadyang ibang iba ang body clock co, hindi ako makatulog sa gabi kahit pa hindi ako natulog buong araw. Alas dose dilat padin, alas dos inom ng gatas pampaantok pero wala padin.. alas tres umiinom na ako ng 4mg ng melatonin pero wala padin kaya pagsapit ng alas otso kung kelan dapat palabas na co at maghahanap ng trabaho saka naman pipikit ang mga tao co hanaggang alas singko kaya wala na naman. 

Naisip co din na umuwi nalang ng probinsya para mas tipid kaya lang iniisip co palang kung anong gagawin co dun nabobore na co. Wala naman na kasi yung mga barkada co kasi nasa abroad na lahat at yung mga naiwan may mga asawa naman na kaya wala din ako makakasama. Cross out na ulet sa listahan. Isa pa, kapag umuwi ako mas lalo lang akong tataba kasi masawap kumain dun saka matulog kasi walang distractions, mabagal ang internet saka mas malamig.

Last option, magtake ng prometrics. Medyo nagbabasa basa na co sa mga forum para sa exam pero nalalabuan ako sa proseso. Naisip cong itweet si Robin para magpatulong pero inactive naman na ata yung acount nya.. Hindi na kasi ako nagloload para tipid at dineactivate co narin yung facebook co kasi nakakasawa narin. Nakita co din na medyo may kamahalan yung pagtake though medyo maganda yung mga feedback about sa mga results ng exam. Mas madali daw kesa sa board exam at nclex saka seventy items lang at 2 hours pa.

So bale wala padin ako naiisip na pagkakaabalahan. matagal na akong street bum, halos mag iisang taon narin. Gusto co namang magkaron ng direksyon tong buhay co pero hindi ko alam kung pano co sisimulan. Masyado na atang magulo kaya siguro nga tama yung mga nagsasabe na kelangan co na ng tulong..

No comments:

Post a Comment