Thursday, September 26, 2013

Tamad pero Maswerte



Parang Karugtong to nung nakalipas kong post. Bale tatlo yung pinagpipilian kong gawin pero wala kong mapili kahit isa dahil sa iba ibang kadahilanan pero sa wakas at sinaniban din ng bathala ng kasipagan at nagkainterest akong maghanap ng trabaho.

Kung swerte lang din naman sa paghahanap ng trabaho dito sa Pinas ay isa siguro ako sa madami daming nahakot nung nagsabog ng kaswertehan ang kalangitan. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa limang kompanyang pinasukan co netong nakalipas na limang taon ay walang kahirap hirap ang pagpasok co.

Sisimulan co ang kwento sa unang una kong trabaho pagkatapos ng board exam pero bago ako magpatuloy ay etot kakarating ni mykle na kasama co dito sa bahay galing sa paghahanap ng trabaho para sa abroad.. Sabe nya, paupo naman at what’s the latest? Hindi muna ako kumibo para matapos co tong sinusulat co sayang naman ang momentum. hehe

Balik tayo sa unang trabaho co, bale pagiging customer service representative ang una kong trabaho. Pinagandang version ng call center agent though masarap din naman sa tenga ang call center agent kasi tunog magaling mag ingles. Inaasahan co na mhirap akong matanggap kasi baging graduate at wala pang experience. Kumpara sa mga kasama kong naghahanap ay ako ang unang umabot sa job offer kaya maswerte naring maituturing. Isang kumpanya yun sa EDSA Central pero dko nalang sasabihin.

Pangalawa kong naging trabaho ay kusang lumapit sakin, nasa call center palang ako nun pero lumabas na kasi yung result ng board exam at pinalad namang makapasa. Nagtext sakin yung kaibigan co na taga samin din na may opening daw sa DOLE, so dahil bagong pasa ay sinunggaban co agad ang oportunidad kasi limitado lang daw ang slot, at talagang limitado, kahit naman hanggang ngayon ay limitado padin. So, sa madaling kwento ay nagresign ako at nagtrabaho sa probinsya kahit mas mababa ang sahod.

Dahil nasa Ospital na ako noon ay dinirederetso co na ang pagtatrabaho kasi mahirap pumasok sa ospital bilang nurse, minsan volunteer minsan naman naambunan ng konting grasya mula sa capitol. Kumpara sa ibang mga kabatch co ay maswerte narin kesa hindi makapasok, pero syempre kelangang mabuhay kaya kelangan sumweldo. Sa makatwid ay umalis ako sa ospital para magtrabaho sa Bataan.

Mga ilang buwan din akong patambay tambay pero ayos lang kasi gusto co din naman magpahinga hanggang sa may oportunidad na namang kusang dumating. Sabe, kaya co daw bang magsulat sa English. Sabe co naman ay nagsususlat naman ako pakonti konti pero di naman ganun kagaling. Sumubok parin ako at natanggap naman pero kulang padin talaga ang sweldo kaya naghanap na naman ako ng panibago.

Lumuwas ako ng Manila at dahil sa swerte nga ako sa paghahanap ng trabaho ay nakahanap na naman ako sa unang araw pero call center agent ulet. Mas mataas ng konte ang sweldo kaya ayos narin. Naging Mas magaan ang buhay noong mga panahong yun pero dahil sa may mga panahon talagang sinasaniban ako ng katamaran ay nagresign na naman ako.

Makalipas ang walong buwan ay sinaniban ulet ako ng kasipagan at di padin kumukupas ang kaswertehan co sa paghahanap ng trabaho kasi umabot na naman ako sa job offer sa unang kumpanyang inaplayan co. Siguro nga tamad ako minsan pero maswerte padin sa paghahanap ng trabaho. Salamat sa mga nagtitiwala at sana hindi kayo magsawa kahit minsan tinatamad talaga ako.

Bukas ay orientation co na! yehey! Kanina tapos na yung medical pero diko alam kung pumasa ako kasi tumaas yung BP co dahil sa ginawa ni Doc. Kung ano yun? Secret nalang.. haha

No comments:

Post a Comment