Friday, November 1, 2013

Home Alone Halloween

Alas otso na nga gabi.. Kagigising palang ng datu, saglet na nagmasid sa veranda at napuna nya na nagmistulang ghost town ang paligid sapagkat marami sa mga tao ay nasa kanikanilang probinsya at yung iba ay nasa sementeryo pa kasi pista ng mga patay ngayon..

Irewind natin ng konte ang mga pangyayare.. Kahapon, mga alas sais ng gabi, tumulak pauwi ng probinsya ang lahat ng mga kamaganak co at dahil may pasok pa co ay kelangang magpa iwan.. Magulo pa naman ang isip co dahil sa isang pangyayaring ginusto co pero medyo may konting sakit at panghihinayang..

Pumasok co sa trabaho alas 9 ng gabi at tumambay saglet sa smoking area at nagsindi ng sigarilyo. At boom-boom-paw! Sumakit ang batok co bigla.. Umatake ata yung hayblad co..

Sa Training room one! dahil last day of the week at eksayted na ang lahat sa long weekend ifast forward na natin ang mga pangyayare.. Mock calls, games at voila! alas sais na agad ng umaga!

Napagusapan ng ilan sa mga wavemates na magbuhat muna ng baso since birthday ni chris pero hindi sumama at restday naman. Salamat kay nyora Diane at konyong otaw.. Libre pamasahe papuntang sobriedad na place ni David..

Inuman.. Halohalong alak.. Dko alam kung ano tawag sa mix na ginawa ni otaw pero masawap. Empe lights on the rocks at red horse para sa finale.. Since weak na co sa inuman lalo na sa beer ay umikot ang mundo co nung red horse na..

Hindi ako fan ng mga puzzles, riddles o games tuwing inuman kasi kontento na co sa alkohol, nikotina at sounds sa inuman pero since gusto ng lahat maglaro ayoko namang maging kontrabida..

Lasing bobo yung tawag ni otaw sa laro.. Masaya yung laro kasi walang truth or dare. Ayoko kasi ng nga ganung laro. Kung dika makakasagot ay tagay lang yung consequence so mas okay na. At dahil puyat at inaantok ay di gumagana yung wardman powers ng utak co kaya may mga instances na sunod sunod yung tagay sakin kaya mabilis akong nahilo.

May mga engineers sa wave namin kagaya co kasi yung mga nagsabeng sasama ay hindi sumipot. Wala naman sakin yun kasi gawain co din yun. Sa totoo lang sinubukan kong umexit nung papunta na pero medyo mahirap at walang chance kasi bukod sa may sasakyan ay sumunod si David sa 7/11 para magpaload. Perfect timing kasing tumakas kapag naglalakad na ang lahat papuntang sakayan.. Magpapahuli ka lang at iiba ng daan bigla. Base yan da experience co pero dahil anjan si nyora at konyong otaw mahirap gawin yun.. Mahirap kasing magsabe ng hindi ka sasama kasi mapipilit at mapipilit din nila ako kung may pipilit kaya mas madali nalang sabihin ang oo at emexit. Hindi kasi co kumportable minsan sa mahabang usapan..

Usapan ng lahat alas onse max uuwi na kami pero since napasarap ang pagbubuhat ng baso ay lumagpas sa oras.. Usually naman kasi ay ganun ang nangyayare.. Kalokohan ang isang bote o dalawa lang, siguro dalawang case pwede pa..

Sasama pa sana co sa Chades para kumain pero dahil antok na antok na co ay diretso uwi nalang. Sakay ng Jeep ay pumunta co sa place ni ermats since walang tao dun. Pagkadating, nagbukas lang ng aircon at tulog na agad! alas otso na ng gabe pagkagising ay nilalamig ng todo dahil naka off shirt pala co at walang kumot.. hindi lang yun, gutom na gutom din kaya lang walang pagkain. Salamat sa Chikboy na isang tumbling lang mula sa bahay. Kumain ako na parang construction worker kahit na nagdadiet co kunu.

Eto ang home alone halloween.. Sana walang momo.. Bukas sa Bataan nlang co at alams na.. :)

No comments:

Post a Comment