Saturday, November 2, 2013

Newly Found Friends sa Savory

Pasado alauna na ng madaling araw at mulat na mulat parin ang mga mata co.. Sabagay alas otso ng gabi kasi co nagising kanina at isa pa, nasanay na cong gising sa gabi dahil sa trabaho..

Sandaling nagbukas ng facebook at nakita co na online si mac. Sinubukan kong ayaing lumabas lahit madaling araw na at dahil malakas ako sakanya napapatag co syempre.

Saktong ala una y medya nung magtext sya na nasa baba na daw ng building.. Bumababa natin co at dumiretso kami sa suki naming inuman malapit sa bahay. Ngunit subalit at datapwat, sarado yung ihawan kaya nagdesisyon kaming humanap ng iba at sa savory kami napadpad.

Akala namin at sarado din dahil may nakalagay na "close" sa pinto pero buti at makulit kami kaya tinanong namin yung guard.. Bukas pala yubg secondfloor..

Dahil naipangako co na kakain kami ng savory chicken sa unang sahod ay pabor naring maituturing. Isang bucket at manok ang nagustuhan sa menu. Tutubuan na ata co ng pakpak sa kakakain ng manok pero ayos lang.

Hindi naman co mapulutan kaya pinaubaya co na sakanya ang manok. Normal na kwentohan lang habang nanonood ng mga nagbibilyar.

Parang ordinaryong araw lang din naman yung ambiance bukod sa naglalampungan sa likod ni mac at magpinsabg nagkukulitan sa likod co. Tuloy lang ang tagay.

pagkatapos kong inumin ang pangalawang bote at dinamay na kami ni nung makulit sa likod co sa kulitan nila. Nag aya pang pagsamagin balang yungtable namin at para may makausap makausap kaming iba ay pumayag na kami, besides kami nalang ang nasa savory nun kasi halos alas kwatro na.

Mausisa nga silang dalawa at dahil mas malakas ang amats nila ay kami an nag aadjust ni mac at ganun kami kabait. hehe 

Kahit tapos na ang last order time at dahil makulit nga ang mga newly found friends namin ay napilit pa namin ang mga waiter sa isa pang round. Si BJ aka Barry yung isa at katukayo naman ni mac yung isa. Napunta kami sa friendly debate sa mga kubg ano anong bagay lang hanggang sa malasing..

Dahil alas sais na ng umaga ay nag aya yung dalawang mag almusal sa paluti sa Maceda. Masawap yung sisig nila dun kaya malamang ay babalik kami ni mac. Saka libre kasi kaya mas naging mas masawap.. hehe

Maliwanag na kaya kanya kanyang uwi na. Kumuha na ng taxi si Barry para makauwi sila at syempre kumuha narin kami ni mac para makauwi na sa bahay.. Tulog hanggang alas tres ng hapon. Hapon na pero dahil makulimlim ay umaga padin sa pakiramdam.. Nakaramdam kami ng intense na gutom. Salamat sa unli rice ng mang inasal! Uwi sa Lealtad pagkatapos sakay ng madungis na jeep. :)

No comments:

Post a Comment